scene: chapel ng st. joseph's college. tahimik na tahimik sa lugar at nakaupo lang sa isang pew si agnostic. maya-maya ay dumating na ang diyos.
diyos:
O, napadalaw ka.agnostic: oo nga eh.
diyos:
tagal mo nawala ah.agnostic: hindi ah, kelan lang yun.
diyos: ah yes, sa sacred heart church. o kumusta ka na?agnostic: sus, alam mo naman eh. ikaw, kumusta?
diyos: ayos naman, natutuwa ako at naalala mo ko.agnostic: aba, kelan ba kita nakalimutan?
diyos: ah oo ng pala, di mo nga pala ko nakakalimutan, pinagdududahan lang.agnostic: huh? wag mo sabihing nagtatampo ka?
diyos: di ah. diyos ako no! superior ako sa'yo kaya hindi ako nagtatampo. o sige, let's get down to business. agnostic: ay, nag-apura.
diyos: wrong again. may pasok ka pa at ang paalam mo eh magbabayad ka lang ng tuition. agnostic: onga pala. so yun nga. alam mo naman kung bakit ako nandito eh.
diyos: anong gusto mong gawin ko?agnostic: tanong diyos: di ba nagdasal ako sayo two years ago? so sinagot mo yun. bakit mo binawi?
diyos: wala naman akong binabawi sayo. di ba gusto mong maging masaya? you got it di ba?agnostic: ah teka, di mo ba narinig yung kadugtong ng dasal ko nonn na maging masaya FOREVER?
diyos: alam mo, wala man akong katawan na pagkakabitan ng tenga eh nadidinig ko naman lahat ng sinasabi mo.agnostic: so bakit mo nga binawi?
diyos: so feeling mo talaga binawi ko?agnostic: (nag-iisip)okay, o sya hindi na nga. pinutol lang! hindi ba talaga pwedeng forever na maging masaya?
diyos: simple lang naman ang gusto mo eh, pero hindi mo kailangang madaliin. ang hirap sayo impatient ka eh. tell me, meron ka na bang hiniling sakin na hindi ko pinagbigyan? ever?agmostic: (naka-pout ang nguso na iisip-isip) wala.
diyos: see. it will come to you, kaya lang meron ka talagang dadaanang mahihirap na bagay, kasama yun eh. kasi kahit gusto kong ibigay sayo yung gusto mo eh diyos lang naman ako at hindi tao. eh kelan ka lang naman nagdasal na gusto mo nang maging masaya, binigay ko naman agad. kaso, yung mga nangyaring mga bagay sayo at sa ibang tao bago ka nagdasal eh hindi ko na pwedeng baguhin. at lahat ng yun syempre may epekto sa mga nangyayari ngayon.agnostic: so anong gusto mong sabihin? does that mean cut na talaga yung binigay mo?
diyos: ulit simple lang ang dasal mo, gusto mo lang maging masaya at kaya ko yun ibigay. but you will have to be patient. sino ba ang ayaw na masaya ka? agnositc: yung klase ng saya na binigay mo sakin dati? at ibibigay mo yung eksaktong hinihingi ko?
diyos: hay talaga naman, okay na ko sa pagka-agnostic mo, pero grabe ang pagka impatient mo.agnostic: eh kasi minsan-minsan lang naman ako humingi sayo eh.
diyos: alam ko. yung ngang nangyaring sa ferry boat sa marinduque, andon na ko at nagkita na tayo eh di ka naman lumapit.agnostic: eh (kamot ng ulo) di ko naman inisip na sakop mo pa pati yung pag-aayos ng makina eh.
diyos:
hindi nga, pero kaya kong sabihan yung kapitan ng barko na mag-send na lang agad ng distress call para di na kayo ninerbyos lahat.agnostic: eh alam mo naman na sa mga ganong panahon eh mas busy ako mag-isip ng contingencies kesa magdasal.
diyos: pero mabuti na rin na di ka nagdasal noon, ang ingay-ingay nung time na yon eh sa dami ng nagdadasal.agnostic: kita mo, nakatulong pa ko sayo.
SILENCE
agnostic: so pano na nga? pwede ba magbigay ka ng signs na magiging okay ulit ako?
diyos: okay ka naman na.agnostic: i mean don sa request ko maging masaya na forever. and don't forget the FOREVER.
diyos: you will be happy, that i can promise. pero tanggapin mo lang na para maramdaman mo yung totoong saya eh minsan kailangan mong masaktan. your happinness will come to you, and once it's there you should be able to recognize and appreciate na yun na yon, and never doubt. pag nag-doubt ka, baka mawala ulit, baka hindi mo ma-enjoy.agnostic: pag nag-doubt ako babawiin mo?
diyos: ay ang kulit mo ha, sabi ko nga na di ko binawi eh. i'm god, i'm magnanimous!! never akong babawi ng bagay na ikakasaya ng taong magaganda at mabubuti ang intensyon. pero like i told you, may mga human follies na nakakaapekto sa mga bagay na nangyayari sa inyo.agnostic: pero pano nga, magbibigay ka ba ng signs?
diyos: i work through signs. basta pag anjan na malalaman mo. ganun naman style nating dalawa di ba?agnostic: okay. thank you nga pala dun sa mga nakaraang binigay mo recently lang.
diyos: walang anuman, narecognize mo ba yung signs?agnostic: oo, pero yung iba mukhang palpak.
diyos: ah baka iba yun, baka yung sinsabi mo eh immediate na sagot ko lang sa hinihingi mo kasi maliit na bagay lang naman. but i'm glad that you know how to appreciate the little things that you receive from me.agnostic: gutom na ko.
diyos: ah, yan naman eh kaya mo nang solusyonan bilang tao.agnostic: oo nga. kain muna ko. salamat ulit.
diyos: anytime. spread the Good News ha.agnostic: hehe, i'll try. remember, diyos ka at tao lang ako. at agnostic pa.
Labels: conversations