Wednesday, July 06, 2005

i'm raising an agnostic


kagabi pagkatapos ng hapunan tinanong ako ni kai ano daw ang iba pang paliwanag sa pagkakabuo ng tao. mabuti na lagn at bago ako nakasagot ay sinabi na nya na other than the story of creation. agad ko naman naibigay ang sagot ng big bang theory at yung theory of evolution. mas pinili nya ang theory of evolution ni charles darwin. naghahanda daw sya sa kanyang isasagot sa teacher nya sa araling panlipunan na nagtanong kahapon kung sino ang naniniwala na ang tao ay ginawa ng diyos. di daw sya nagtaas ng kamay. tinanong din daw kung sino ang naniniwala na ang tao ay binuo mula sa putik. di din daw sya nagtaas ng kamay. dalawa sila ng kaibigan nyang si marco na kailangang magpaliwanag ngayong araw na to kung paano nabuo ang tao. akala ko ay tapos na ang paliwanagan.

sumunod na tanong nya ay sino daw ang gumawa sa diyos. di na ko nagdalawang-isip, ang sagot ko, "ang tao". sino ba daw ang nauna, tao o diyos? sabi ko, "ang tao". paano daw yon. kailangan nya din daw kasi ng sagot para i-substantiate yung theory of evolution. sabi nya tumigil daw ang science sa pagpapaliwanag tungkol sa diyos. di daw to pinaliwanag. naalala ko tuloy na ganyan din ang tanong sa history class namin noong highschool na ano daw ang ugnayan ng science at religion na ang sagot ay kung ano ang di kayang sagutin ng science ay ipinapaliwanag na ng religion. last year din ay nagtanong si eman na 6 years old lang non kung sino daw ang gumawa sa diyos. ang sagot ko pa din ay "ang tao."

"pa'no yun mommy?" maikling paliwanang lang daw. so sabi ko na nung unang panahon na di pa nauuso ang relihiyon ay may mga nangyayari tulad ng mga bagyo, kidlat, tidal waves, lindol at kung anu-ano pang mga bagay na di kayang ipaliwanag ng mga unang tao. natatakot sila dito kaya nag-isip sila na baka merong supernatural being na gumagawa ng mga bagay na yon para parusahan sila, pero eventually ay naisip din nila kung may mga bagay na nakakapinsala sa kanila ay pwede rin silang humingi ng magagandang bagay. ano daw ang supernatural being sa tagalog. eh hindi ko alam, "basta sabihin mo supernatural being, maiinitindihan na yon ng teacher mo."

di ko pa alam if he could pull that one off with his teacher today. naisip ko lang kagabi na may epekto nga siguro sa kanya na may nanay syang agnostic at tatay-tatayang atheist. pero sabi ko nga lagi sa kanya, di kailangang may pinapaniwalaang diyos para maging mabuting tao. at di kailangang may kinakatakutang diyos na magpaparusa para umiwas makasakit ng tao. di ko naman sya sinabihang wag maniwala sa diyos. i'm still leaving it to him if he wants to believe in a god or practice his religion na pwersado nyang napasukan dahil kailangan ng baptismal certificate sa pag-enrol nya sa school. basta ang lagi kong bilin ay igalang ang buhay.

1 Comments:

Blogger ikabod said...

This comment has been removed by a blog administrator.

8:46 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home