Thursday, December 14, 2006

sapatos

may nami-miss akong sapatos. maganda, matibay, di kamahalan dahil sale nung nabili ko, at laging nababati ng mga nakakita ng bagay daw sa mga paa ko.

sayang, wala na yun. hindi yun naluma o nasira. ipinatapon yun. hindi na umabot ang sapatos sa stage na kailangan kong i-dispose dahil sa di na pwedeng magamit. napaaga ang pagkawala dahil ayaw ipagamit sakin ang sapatos na yun.

bawal. dahil everytime daw na suot ko ang sapatos na yun ay may babalik daw na hindi magandang ala-ala.

sayang, hindi naman tiyak kung aling sapatos ang may 'pangit' na ala-ala, at kung ano man yung pangit na alaala eh di ko maintindihan. basta lang merong sapatos at kailangan ko daw itapon. sana pumili na lang ako ng ibang sapatos na di ko masyadong gusto at nagpanggap na yun ang sapatos na dapat ko daw itapon. pero ayaw kong mang-gago, baka balikan ako ng karma. kaya sige na lang... para walang away.

dati namang walang ala-ala, maganda man o pangit, yung sapatos na yung pag sinusuot ko. kasi katulad din lang yun ng iba. katulad lang ng mga iba ko pang naging sapatos na kapag hindi na magamit, nasira o nawala na sa uso eh nakakalimutan ko na.

eh ngayon, bukod sa nanghihinayang ako dahil di ko na yun maisuot, may masama pang alalang iniwan!!

sayang ang sapatos na yun, matino pa naman yun.


ayun sya o, actually sandals sya, may picture pala ko na suot ko yun, buti na lang naghalukay ako... yehey.