Tuesday, May 30, 2006

bolinao, pangasinan



(ray's shot)

zone's


Thursday, May 25, 2006

taray mode

words coming out of my mouth pag nasa taray mode ako.

1. "nagpapatawa ka ba o talagang tanga ka lang?"

2. "eh ano kung ayaw mo maging mabait sakin, basta ako mabait pa din sayo."

3. "oras ko ng pahinga, ayoko makipag-usap ng tungkol sa trabaho."

4. "i have a death wish but i'm not suicidal."

5. "pwede ba, if you have nothing good to say, just don't say anything at all."

6. "ang plastic mo naman."

7. "ohh, get real."

8. "akala mo lang ako ang salbahe, pakinggan mo nga mga sinasabi mo."

9. "get used to it, you have a pretty mom."

10. "yeah, yeah, everything's my fault. masaya ka na?"

11. "eh? ka-level ba kita?"

12. "yan ba naman eh kailangan pa pag-isipan ng malalim?"

13. "i don't care."

14. "anak ka siguro ng diyos."

15. "ako lang naman ang kaya mong awayin kasi alam mong di kita papatulan."

16. "syempre, ginagamit ko utak ko eh."

17. "i don't wonder. i know."

18. "drugs? nakakabobo yan."

19. "magkwento ka naman ng maganda tungkol sa buhay mo."

20. "i don't want to hear you complain, it's your decision not mine."

21. "sabat ka ng sabat di mo naman alam ano pinapag-usapan."

22. "mind your manners."

23. "liars go to hell."

24. "meet me when you're ready to focus your attention on me."

25. "inggit lang yun kasi maganda ka."

26. "i'm not jealous, i'm possessive."

27. "hindi ka bobo, tanga ka.!"

28. "hindi yan immorality, stupidity yan."

29. "GD ka pa din?!!!"

30. "That's why i like you, pwede ko maging gago sa harap mo."

31. "Opo MANONG!!"

32. "how did you know? ang galing mo naman."

33. "na-break mo nga record ko, inabot ka naman ng tatlong araw. eh ako minuto lang"

34. "that's it????!!!!"

35. "talk to the hand because the face is too tired." (gaya lang sa tv)

36. "eto, eto, kailangan mo ng utak dito."

37. "taon-taon na lang yan ang linya mo, baguhin mo naman."

38. "alam mo ang mga taong laging nagsasabing may sakit sila gusto lang magpapansin."

39. "smile. damn you, smile."

40. "ngumiti ka naman, ang tanda na tuloy ng itsura mo."

41. "lumapit ka." (pag nasa jeep ako at konti lang ang pasahero tapos gusto ng nasa dulo eh iabot ko sa driver ang bayad nila.)

42. "mama, tatlong palit na yung ilaw sa traffic light di ka pa rin umaandar. late na ko sa trabaho ko."

43. "hindi ka nanghihingi ng tip, nanghoholdap ka." (to a taxi driver)

44. "excuse me, i know my rights."

45. "magsabi ka kaagad para wala kang napeperwisyo."

46. "maiintindihan kita kung bobo ka."

47. "baka guilty."

48. "just because you're a perfectionist doesn't mean you are perfect."

49. "sorry but i don't tell a lie."

50. "dalawa lang yan, either nagsinungaling sila o gumagawa ka ng sariling kwento."

Friday, May 12, 2006

tanging ikaw sana

HANGGANG
Wency Cornejo


ilang ulit mo nang itinatanong sakin
kung hanggang saan
hanggang saan, hanggang kailan
hanggang kailan magtatagal
ang aking pagmamahal

hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa ating daigdig
hanggang may musika akong tinataglay
kita'y iniibig

chorus:
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
'di ko magagawang, lumayo sayong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal

hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo laan
mamahalin kailanman
hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan
tanging ikaw lamang

hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa ating daigdig
hanggang may musika akong tinataglay
kita'y iniibig

hanggang may puso akong marunong magmahal
na ang isinisigaw ay lagi nang ikaw
hanggang saan, hanggang kailan
hanggang kailan kitang mahal
hanggang ang buhay ko'y kunin ng maykapal
hanggang may pag-ibig
laging isisigaw tanging ikaw


KAHIT ISANG SAGLIT
Martin Nievera


Pa'no ang puso kong ito
Ngayon lumisan ka sa
buhay ko
Kung kailan sumikat ang
araw
At lumigaya ang aking
mundo
Paano ang mga bukas ko
Paano ang mga pangarap
Mga pangako sa bawat isa

Chorus:

Sana ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali, kahit ilang
saglit mayakap ka

Interlude:

Puso ko'y biglang naulila
Iyong iniwanan na nag-iisa
(Repeat Chorus)

Mayakap ka.

Thursday, May 11, 2006

just for fun

outing..... (photos by rayh, zone and moi)


from cape bolinao lighthouse
view from the mansion
sige, para may picture din ako
isa pang pose
sa gilid

precocious irene
siblings
pang friendster

Wednesday, May 03, 2006

names of people i know

1. xty - short for christy na short for christine. sus, nagpalayaw pa. nagtipid sa sound?

2. burns - ang seductive ng dating, sabi nya sa about me nya sa blog nya eh '50% bitch 50% angel' sya... malamang nga. pero basta ang alam ko cute syang magtaray. memorable line i heard from her, "alam ko, hindi ako dimwit noh!!" ang taray talaga.

3. kahlil - sa arabic language eh dapat khalil ang spelling, kaso pag pinoy ka baduy na susundan mo ng h ang consonant kung di rin naman ito p. religious daw ang pangalan nya sabi ng mga less acquainted kay kahlil gibran. sus, eh sa mga pelikula nga palaging yung pangalan ng terorista.

4. fyke - pinaiksing facundo. pero fyke man o facundo pareho namang di nya totoong pangalan yun. pipili na nga lang ng koda ang bantot pa.

5. malou - hulaan ko maria lourdes ang tunay nyang pangalan.

6. sascha - pag ginoogle mo buong pangalan nya eto lalabas "pahinang may resulta 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 susunod". ang dami, grabe, pero kahit isang page walang tungkol talaga sa kanya.

7. kips - term of endearment ko sa best friend ko, 'friend for keeps" hanggang ngayon naman magkaibigan pa din kami.

8. baby - dalawa kilala kong baby, pero pramis hindi na sila baby, half a century ago pa.

9. nini - hindi na din sya nini, pramis din, matagal na din.

10. iam - short for iamar na ang ang ibig sabihin daw ay buwan. first baby ni yhen, next baby daw nya kaya eh weare naman?

11. yhen - la lang. para lang masabing nabanggit ko sya.

12. loy - ay, ratatitat pala! ay, loy nga ata! ay, ano nga ba pangalan nya talaga?

13. richie - nung unang nabanggit sakin pangalan nya ang tanong ko eh kung lalaki ba sya o babae. doesn't matter. tunog pa lang ng pangalan nya eh mukang makulit na; makulit nga!!

14. I. - kailangan may tuldok pagkatapos ng I, at dapat capital letter. pero hirap na hirap ako sa pangalan nya, kasi pag tinext ko si richie at sinabi kong 'you and I" parang "tayo" yun, pag "richie and I" naman parang "kami". eh hindi naman kami, sila naman talaga.

15. florence - kaganda-ganda ng 'florence' eh kailangan bang bigyan ng palayaw na "flor". basta kung ako ang may pangalang florence, len ang ipapalayaw ko sa sarili ko.

Labels: