Thursday, December 22, 2005

krismas parti




sayang i di gano kita yung bag.

i. ulit (dala ko pala digicam sa italianni's)

sa harap ng malya hotel sa bandung (parang baguio pati klima). yung mga nangangabayo, may dalang mga paintings na tinitinda sa hotel guests.

kids (obvious ba?) na may dalang mga angklung (obsvious ba ulit?)

bilal (with glasses) and isa. bilal calls me "pssst darling" which i preferred to flor. kasama ko sa clubbing na akala ko eh inuman yun pala disco club (siyet!!). isa is dying to go to phils, esp davao. mega-promote naman ako ng pilipnas.
sa lobby ng gran melia, jakarta. US$150 a night. sa taas ng pic n to is the national monument from a very long distance, hehe.


cr ko sa gran melia na puro salamin!!!!













what i cannot buy, pwede naman picture-an na lang

more pics: http://akodininisna.blogspot.com/2005/12/more-pics.html

Friday, December 16, 2005

signs, signs, signs

at the dry section of kamuning public market.
"libring's textile"
- better than a sale!!!

building construction along recto ave.
"beware of falling workers."
- aaaaaahhhhhhhhhh, blag!!!!

in one of the gates in an exclusive subdivision.
"never mind the dog, beware of the owner"
- are you rabid?

on a picket-fenced vacant lot
"tresspassers will be shot. survivors will be shot again."
- oh, you're so cruel!!!

on a wall in a street in balic-balic.
"bawal umihi ang aso dito. fine 1000"
-let's go some place else brownie.

on another wall, also in balic-balic.
"aso lang ang umiihi dito"
- ah, there's your spot brownie.

along east eave. (and it's in pink!!!)
"a walkable city is a healthy city"
- whatever!!!

Wednesday, December 07, 2005

malamig daw ang pasko ko

malamig daw ang pasko para sakin ngayon kasi wala na kong karelasyon. sabi ko hindi. maliban sa totoo namang malamig ang buwan ng disyembre ay wala namang nabago sa mga pasko ko. katulad din ito ng mga dati ko ng pasko nagdaan na hindi ako masaya. may karelasyon o wala.

ayoko ng pasko. ni hindi ako naglalagay ng mga christmas decors. para sakin ito ang pinakamalungkot na araw. taon-taon na lang nagsasaya ang mga tao, bigayan ng regalo, christmas party, kris kringle, baha ang masasarap na pagkain.

oo, nakikisali ako sa exchange gift, sa noche buena, sa mga tawanan at kwentuhan, sa pamimigay ng aginaldo, pero laging mabigat ang loob ko. hindi dahil sa kuripot ako pero dahil sa gitna ng mga masaganang hapag-kainan at sa maraming regalo sa ilalim ng christmas tree eh hindi naaalis sa isip ko ang mga taong hindi magawang mag-celebrate ng pasko. taon-taon na lang kung ibandera sa media ang pasko eh parang lahat eh masagana at lahat ay masaya. pero hindi totoo yon eh.

once, i thought that maybe i was being too hard on myself for being so cynical about the yule season. rather than just enjoy, i always feel heavy. pero ganon eh. sa bawat regalo na binubuksan ko, naiisip ko ang mga taong kailangan pa ding magtrabaho para lang mairaos ang pasko, hindi dahil pasko yun kundi dahil isa lang yun sa mga araw na kailangan nilang kumain. naiisip ko rin ang mga taong hindi makauwi sa bahay nila dahil sa sari-saring dahilan, mga dahilang hindi nila kagustuhan; mga taong may bahay nga at buo ang pamilya pero hindi naman makaramdam na ligtas sila.

it is such a cliche to say na ang tunay na diwa ng pasko ay pagmamahalan dahil inaalala ang birthday ni kristo, ang tagapag-ligtas. damn it, it's a round-about-way of saying magdasal ka na lang kung wala kang makain sa pasko. o kaya ay tiis ka muna dahil pag nasa langit na ay masaya ka na.

ewan kong guilt yon. guilty akong maging masaya habang alam kong maraming mga tao, lalo na ang mga bata, na para sa kanila ay pangarap na lang ang pasko. hindi siguro inggit ang nararamdaman nila kundi lungkot at awa sa sarili.

nabubutas ang bulsa ko pag panahon ng kapaskuhan dahil bawat batang lumapit sakin, bawat batang nangangatok sa bintana ng kotse o taxi eh inaabutan ko ng kahit konti, bawat envelope na dala ng kolektor ng basura ay nilalalgyan ko ng laman. hindi malaki, tama lang sa kaya ko, pero kahit pano nakakapagpalabas ako ng ngiti. yun lang ang kaya kong gawin, hindi para mawala ang guilt ko kundi para makaramdam din sila kahit papano ng pasko. paskong hindi ko pinapaniwalaan.

may isa akong pangarap tuwing pasko, hindi ko alam kung kelan matutupad. pangarap ko pa rin na isang araw ang mga kapalitan ko ng regalo ay magdedesisyon na na wala na lang kaming party o exchange gift, instead eh pagsama-samahin namin ang aming budget, lumabas at magbigay don sa mga wala. sa araw mismo ng pasko.

ngayon, iniisip ko malamig nga siguro ang pasko ko. i would feel as heavy as always but feel empty at the same time na hindi ko pa rin matupad ang pangarap ko. but maybe someday, kahit ako mag-isa, kakayanin ko na. patuloy akong hindi maniniwal sa pasko pero hindi ko ipagkakait sa iba kung gusto nilang makaramdam kahit isang araw lang ng saya. at kung may magagawa ako para sumaya sila, sa maliit na paraang alam ko, gagawin ko pa rin yon.

Labels:

Monday, December 05, 2005

i.

kadami ko na palang nabasang libro sa nakaraang tatlong buwan

1. the bridges of madison county by robert something, wahller yata ang apelyido. i've seen the movie, i've read the book. galeng!!!


2. love in the time of cholera by gabriel garcia marquez. simple lang, sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


3. the tipping point - kalimutan ko author, totoo nga, page-turner. sociology, psychology, anthropology, marketing and management all in one.

.
4. harry potter and the goblet of fire by you-know-who, mas maganda pa rin basahin kesa panoorin. mad eye moody is not as scary in the movie as i had imagined him nong libro pa lang sya




5. the family by mario puzo. 17th century kwento about a certain cardinal borgia na naging pope and how he used his powers to spread christianity. it was a fiction pero when i checked the encyclopedia, meron ngang borgia family . puzo's last novel kaya nalungkot ako when i finished the book.

6. angels and demons by dan brown, it was nice to have read it right after 'the family.'

.


7. city of the beast by isabel allende - for young adult readers. pero pwede ring basahing ng mga matatanda


.

8. the sorrow of war by bao ninh - still reading. post-war kwento ng isang opisyal. dapat 'ghost of war' ang title nya


9. code zero by ken follet, la lang. buti nga naalala ko pa na nabasa ko na pala sya.

Thursday, December 01, 2005

On My Own (from les miserables)

EPONINE
And now I'm all alone again
Nowhere to go no one to turn to,
Did not want your money sir I came out here
coz i was told to
And now the night is near
Now I can make believe he's here.

Sometimes I walk alone at night
When everybody else is sleeping
I think of him and then I'm happy
With the company I'm keeping
The city goes to bed
And I can live inside my head.

On my own
Pretending he's beside me
All alone, I walk with him till morning
Without him
I feel his arms around me
And when I lose my way I close my eyes
And he has found me

In the rain the pavement shines like silver
All the lights are misty in the river
In the darkness, the trees are full of starlight
And all I see is him and me for ever and forever

And I know it's only in my mind
That I'm talking to myself and not to him
And although I know that he is blind
Still I say, there's a way for us

I love him
But when the night is over
He is gone, the river's just a river
Without him the world around me changes
The trees are bare and everywhere
The streets are full of strangers

I love him
But every day I'm learning
All my life I've only been pretending
Without me his world will go on turning
A world that's full of happiness
That I have never known!

I love him
I love him
I love him
But only on my own.


http://www.stlyrics.com/lyrics/lesmiserables/onmyown.htm

infinity pool?


basta ang pool punong-puno ng tubig, at yip, yip i. pag tiningnan mo sya para syang hindi pool, kakaiba kasi pati kulay ng tubig. if you're not aware na may pool eh aakalain mong part pa rin sya ng flooring, lalo na pag matindi sikat ng araw. at eto ang gilid ng pool, pag nakalimutan mo san sasampa pag gusto mo ng umahon eh pwede kang dire-direcho sa cliff. - salamat sa paliwanag kung ano ang infinity pool. :-)