malamig daw ang pasko ko
malamig daw ang pasko para sakin ngayon kasi wala na kong karelasyon. sabi ko hindi. maliban sa totoo namang malamig ang buwan ng disyembre ay wala namang nabago sa mga pasko ko. katulad din ito ng mga dati ko ng pasko nagdaan na hindi ako masaya. may karelasyon o wala.
ayoko ng pasko. ni hindi ako naglalagay ng mga christmas decors. para sakin ito ang pinakamalungkot na araw. taon-taon na lang nagsasaya ang mga tao, bigayan ng regalo, christmas party, kris kringle, baha ang masasarap na pagkain.
oo, nakikisali ako sa exchange gift, sa noche buena, sa mga tawanan at kwentuhan, sa pamimigay ng aginaldo, pero laging mabigat ang loob ko. hindi dahil sa kuripot ako pero dahil sa gitna ng mga masaganang hapag-kainan at sa maraming regalo sa ilalim ng christmas tree eh hindi naaalis sa isip ko ang mga taong hindi magawang mag-celebrate ng pasko. taon-taon na lang kung ibandera sa media ang pasko eh parang lahat eh masagana at lahat ay masaya. pero hindi totoo yon eh.
once, i thought that maybe i was being too hard on myself for being so cynical about the yule season. rather than just enjoy, i always feel heavy. pero ganon eh. sa bawat regalo na binubuksan ko, naiisip ko ang mga taong kailangan pa ding magtrabaho para lang mairaos ang pasko, hindi dahil pasko yun kundi dahil isa lang yun sa mga araw na kailangan nilang kumain. naiisip ko rin ang mga taong hindi makauwi sa bahay nila dahil sa sari-saring dahilan, mga dahilang hindi nila kagustuhan; mga taong may bahay nga at buo ang pamilya pero hindi naman makaramdam na ligtas sila.
it is such a cliche to say na ang tunay na diwa ng pasko ay pagmamahalan dahil inaalala ang birthday ni kristo, ang tagapag-ligtas. damn it, it's a round-about-way of saying magdasal ka na lang kung wala kang makain sa pasko. o kaya ay tiis ka muna dahil pag nasa langit na ay masaya ka na.
ewan kong guilt yon. guilty akong maging masaya habang alam kong maraming mga tao, lalo na ang mga bata, na para sa kanila ay pangarap na lang ang pasko. hindi siguro inggit ang nararamdaman nila kundi lungkot at awa sa sarili.
nabubutas ang bulsa ko pag panahon ng kapaskuhan dahil bawat batang lumapit sakin, bawat batang nangangatok sa bintana ng kotse o taxi eh inaabutan ko ng kahit konti, bawat envelope na dala ng kolektor ng basura ay nilalalgyan ko ng laman. hindi malaki, tama lang sa kaya ko, pero kahit pano nakakapagpalabas ako ng ngiti. yun lang ang kaya kong gawin, hindi para mawala ang guilt ko kundi para makaramdam din sila kahit papano ng pasko. paskong hindi ko pinapaniwalaan.
may isa akong pangarap tuwing pasko, hindi ko alam kung kelan matutupad. pangarap ko pa rin na isang araw ang mga kapalitan ko ng regalo ay magdedesisyon na na wala na lang kaming party o exchange gift, instead eh pagsama-samahin namin ang aming budget, lumabas at magbigay don sa mga wala. sa araw mismo ng pasko.
ngayon, iniisip ko malamig nga siguro ang pasko ko. i would feel as heavy as always but feel empty at the same time na hindi ko pa rin matupad ang pangarap ko. but maybe someday, kahit ako mag-isa, kakayanin ko na. patuloy akong hindi maniniwal sa pasko pero hindi ko ipagkakait sa iba kung gusto nilang makaramdam kahit isang araw lang ng saya. at kung may magagawa ako para sumaya sila, sa maliit na paraang alam ko, gagawin ko pa rin yon.

Labels: life as i know it
4 Comments:
sabi ko na nga ba, len, maiintindihan mo kung wala akong regalo sa yo. :)
bibigyan pa naman sana kita ng wishlist. hmph! wag na lang. :)
i'm accepting donations.
kasama ako sa sinabihan na malamig ang pasko. sus! since birth malamig na talaga pasko ko literally and figuratively!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home