Tuesday, April 25, 2006

para hindi mainip sa paghihintay

ceres bus #50010
4:40 am, 17 march 2004

kakaiba ang laki ng buwan dito sa canlaon. kung sa kanta ni joey ayala ay isa siyang "ngiti sa kalawakan" ang buwan ng Canlaon ay nakangisi na para bang tuwang-tuwa sa isang malisyosong biro. ewan kung sa pagkakapwesto nya sa madilim na langit ay may nakikita syang di dapat tingnan. pilyo ang buwan ng Canlaon, parang nakakaloko. hindi ko alam kung ito ay interpretasyon ko lang dahil sa nararamdaman kong saya ngayong pabalik na ko ng maynila at alam kong may naghihintay sa aking pagdating. pero pwede ko ring isiping ang ngisi nya ay babala na hindi ako makakarating sa tamang oras sa bacolod para sa alas-onse kong flight.

di naman malayo sa katotohanan ang pangamba ko. kahit napuyat ako sa ingay ng mga lalaking nag-iinuman sa labas ng kwarto ko sa pension house ay pinakaaga-agahan ko na ang gising para makuha ang first trip ng ceres pa-bacolod; di ko pa rin alam kung aabot ito sa tamang oras o kung makakaabot pa nga ba at all. balita ko sa nakaraang dalawang buwan ay dalawa na ring bus ng ceres ang sinunog ng mga NPA. ang hindi ko naitanong sa mga taga-dito ay kung anong oras at aling bahagi ng ruta ng canlaon-bacolod stretch nananambang ang mga NPA. para sana medyo lumuwag ang pakiramadam ko kung malaman kong di naman nagaganap ang mga pagsunog sa madaling araw. malamig dito sa canlaon, hindi naman siguro nila hahayaang manigas sa ginaw ang mga pasaherong pabababain nila ng bus.

napagkaisahan ko nang walang magaganap na pagsusunog ng bus ngayon o mamaya, kailangan ko yun para mapayapa ang aking isip. pero parang baga ko naman ang masusunog dahil lahat ng yata ng lalaki dito sa loob ng non-aircon bus ay naninigarilyo.

sariwang-sariwa pa naman sana ang hangin dito, pero hindi ko na ma-enjoy dahil nag-uulap na sa kapal ng usok sa loob ng bus. di ko rin maamoy ang mga palay (ewan kung may amoy nga ang mga palay) dahil kung hihinga ako ng malalim para langhapin ang malamig at sariwang hangin eh usok ng Hope at Camel ang malalanghap ko.

.... ..... .....

may limang minuto nang tumatakbo ang bus, iniikot nya ang buong syudad para manguha pa ng pasahero. inaasahan kong maiiwan na ang mga usok ng sigarilyo, dadalhin ng hangin palabas ng bus. di ko na rin matanaw ang nakangising buwan... nakakatuwa naman na habang sinusulat ko ito ay saglit na sumilip ang buwan. lumiit na sya, katulad na sya ng buwan na kilala ko sa maynila, isa na syang "ngiti sa kalawakan". ang gusto ko nang isipin ay ligtas akong makakabalik ng Maynila, sakay pa rin ng bus na ito hanggang bacolod, sakay ng eroplano pa-maynila, at buo pa rin ang baga.

bukas ng gabi babatiin ko din ang buwan sa maynila, ikikwento ko na nakita ko sya sa canlaon.

Labels:

Monday, April 03, 2006

puerto princesa



wee-wee-an, badjao seafront




take your pick, dati shoe rack lang ngayon may baskets at lockers na sa ka lui, pero sobra pa ring dami ng mga sapatos at tsinelas


lolo itoy and lola ibing



at itoy's coffee shop. pero pinakamasarap pa rin ang kape sa kamarikutan. bawal nga lang mag-kodakan



pero pwede naman panakaw na kodak, kamarikutan.



sa may bakawan



so near yet so far na dagat