Friday, September 17, 2004

Myers Briggs Compatibility Test
Introversion |||||||||||||||| 66%
|||||||||||||||||| 80%
Extroversion |||||||||||||| 53%
|||||||||||| 46%
Intuitive |||||||||||||| 56%
|||||||||||||||| 66%
Sensing |||||||||||||||||| 73%
|||||||||||||||| 63%
Feeling |||||| 30%
|||||||||||||||| 66%
Thinking |||||||||||||||||||| 90%
|||||||||||||||| 70%
Judging |||||||||||||| 60%
|||||||||||||||||| 73%
Perceiving |||||||||||||| 60%
|||||||||||||| 53%
scale key - you |||||| them ||||||
Your type - ISTJ, Their type - INTJ
Your overall similarity is 79%.
Your overall complementarity is 78%.
Take Free Myers Briggs Compatibility Test





type you them type behavior motivation
I 5 9 energy source is internal, prefers to spend time alone.
E 1 -1 energy source is external, prefers to be around others.
N 2 5 understands things in a random, mysterious, non linear way.
S 7 4 understands things in a sequential, factual, practical way.
F -6 5 makes decisions based on feelings and passion.
T 12 6 makes decisions based on facts and objectivity.
J 3 7 prefers things to be planned and orderly.
P 3 1 prefers things to be spontaneous and fun.

what kind of leader are you?




i'm a mild mannered leader that would soon be dead???!!!! ohmigosh!!!

Monday, September 06, 2004

buhay mental

"baliw," yan ang laging tinatawag sakin ng mga kaibigan ko o mga matagal nang kakilala (na di ko naman tinuturing na mga kaibigan) kapag nagsisimula na akong mangulit at lumalabas ang mga out-of-this-world kong pananaw sa mga sari-saring sitwasyon. mabuti na lang daw at doktor ang tatay ko, pero sana daw ay hindi muna ako pinayagang umalis sa mental at hinayaan munang completely gumaling.

my dad is a shrink, tumanda ako at lumaki na kasama sya at ang mahigit libong 'baliw' sa loob ng mental institution sa bataan. yep, kasama, as in mula pagtulog hanggang paggising ay sari-saring kaso ng mga kabaliwan o pagkasira ng ulo ang kaharap ko (hanggang ngayon ay hindi ko alam ang politically correct term para sa mga mentally ill). sa loob mismo ako ng mental lumaki at nagkaisip. at proud ako dito. hindi matatawaran ang buhay ko kasama ang mga pasyente sa mental, sila ang mga kapitbahay, kalaro, kaibigan, sumbungan, kasama sa bahay, at teacher na rin sa pagharap sa magulong mundo. matagal ng nagretire ang daddy at mommy ko sa kanilang trabaho bilang doctor at nurse sa mental, at matagal na rin mula nong lumabas kami doon, pero paborito ko pang ring balik-balikan ang buhay kasama ang mga 'baliw'.

katabi lang ng female ward ang bahay namin noon sa mental. ang mga tili, hiyaw, halakhak, alulong, at mga monologue ng mga pasyente doon ay sing-natural ng paglubog at pagsikat ng araw. kilala ko rin kung kani-kaninong boses ang mga nangingibabaw. alam ko ang istorya ng buhay ng marami-rami sa kanila.

may kalayuan naman sa bahay namin ang male ward, pero marami sa kanila ang nakakaikot-ikot sa buong compound at di na rin pumapasok sa kanilang selda pag gabi - habang ang mga babaeng pasyente ay kailangan laging pumasok sa selda pagdating ng alas-sais ng gabi. pang-iwas ito sa maaring mangyari sa kanila - kaya kahit malayo ang selda ng mga lalaking pasyente ay marami rin akong nakakahalubilo. in fact, mas marami kaming (mga anak ng empleyado sa mental) mga kalarong lalaking pasyente. mga lalaking pasyente ang pinagsusumbungan namin kapag natatalo kami ng mga batang hindi taga-mental sa patintero, taguan at agawan base. kapag ganito na ang sitwasyon ay nagpapapanggap silang bayolente at hahabulin ang mga kalaro namin para lumabas na ng mental at magsiuwi sa kanilang mga bahay, at malilibre kami sa pagkatugok sa mga laro. pati sa spirit of the glass ay mga kaluluwa ng mga dati naming kalarong pasyente ang pumapasok sa baso at nangbubuko ng mga crush namin.

iba't-ibang personahe at kaso ang mga pasyente don. minsan magulo ang kwento nila pero pag matagal na silang nakakasama ay unti-unting nabubuo ang mga istorya ng kanilang buhay. parang nagbubuo ng jigsaw puzzle, titiyempuhan mo dapat kung kelan sila matino at kung kelan sinusumpong para malaman kung alin sa mga kwento nila ang magbubuo ng istorya. minsan din hindi ko na nabubuo ang kwneto nila dahil lumabas na sila ng mental, o kaya ay dun na namatay. may mga namatay sa sakit na tb, may mga inatake ng epilepsy at tuluyang namatay, may napatay, ang iba ay tumakas, meron ding masayang umuwi na sa kanilang pamilya, meron din namang kinalimutan na at kinakahiya ng pamilya.

si papaw belen at papaw amparo. pipi at bingi si papaw belen at papaw amparo. papaw ang tawag sa kanila dahil yun ang sound na lumalabas sa kanila tuwing makikipag-usap sila. hindi sila marunong ng pormal o standard na sign language. sa tagal na nila sa mental (nakakalabas na rin sila ng compound) ay naka-debelop na sila ng standard na sign language na sya na rin naming ginagamit sa pakikipag-usap sa kanila. si papaw belen ay yung jolly type. mahilig syang sumayaw, kumanta at magpaganda. palagi syang nakangiti, kaya alam namin na pag nagsisigaw sya at umiiyak ay sinusumpong sya. madalas ay pinagmamalaki ng daddy ko ang galing nyang magsayaw. tutugtog ng gitara ang daddy ko at si papaw belen at buong gracefulness na sasayaw (madalas hawaiian dance) na akmang akma naman ang tyempo sa tunog ng gitara. si papaw amparo ang naglalaba at nagpaplantsa para sa min (part ito ng occupational therapy nila at preparasyon na rin sa pag-reintegrate sa mundo ng "matitino"). grumpy, yan sya. bukang-bibig nya ay reklamo tungkol sa ulan kaya daw hindi agad natutuyo ang kanyang labada at mabaho. inaasar namin sya palagi kasi maingay sya at palaging nakasimangot. sa umaga ay naglalaba sya at pagdating ng hapon ay namamalantsa sa bahay namin. madalas nyang nila-lock ang kwarto para hindi kami makapasok dahil nilulukot namin ng mga kapatid ko ang mga plantsadong damit para magalit sya at habulin kami. si papaw amparo ay matandang matanda na at hindi na rin namin pinaglalaba. tuwing nasa bahay sya ay wala kaming tigil ng kaaalok ng kakainin nya at sige naman sya ng tanggi (lalo na pag di nya type ang pagkain, maypagka-choosy talaga sya). patay na si papaw belen, old age. nagkaisip ako ng nandon na sila sa mental at ni minsan ay hindi ko nakitang may dumalaw sa kanilang kapamilya. si papaw belen ay don na pinalibing sa bataan ng pamilyang pinagsilbihan nya paglabas nya ng mental. si papaw amparo, iniiisp ko pa rin kung pano na sya pagdating ng huling sandali nya.

si mabini. kilabot ng mga pasyente, yan naman si mabini. halos buong buhay nya sa mental ay nasa isolation ward sya dahil may pagka-bayolente. nung una ay maingay lang sya at matapang. nagkaron sya ng dalawang kasamang pasyente sa isang special cell. mas maingay yung isa at feeling nya siguro ay nakakalalaki yung isa, kaya kinausap nya yung pangatlong pasyente na patayin nila yung maingay. nung nagawa na nya yun ay pinatay naman nya yung kinuntsaba nya, dahil daw baka unahan pa sya. eto ang kwento nya sa kin nung pagkatapos na mahabang panahon ay nakita nya ako at nakilala habang nagpa-practicum sa mandaluyong. takot ako sa kanya noon at mukhang nahalata nya kaya agad nyang kinwento yun. sabi din nya ay nakasama nya sa selda yung pinsan ko na naging adik at di nya binalak patayin dahil mabait naman daw. di rin nya binalak patayin ang daddy ko dahil mabait din daw. ibang tao daw ang gusto nyang patayin, yung nagmalupit sa kanya (sa ngayon ay wala ng lisensya ng pagdudoktor yung sinasabi nyang nagmalupit sa kanya).

si aling luz. matagal nang wala si aling luz sa mental. kinuha na sya ng kanyang anak. mayordoma. yan ang dineklara nyang papel nya sa bahay namin nung hindi sya sumama sa mga pasyenteng inilipat sa mandaluyong at piniling tumira sa bahay mismo namin. ahh, masakit sa ulo si aling luz dahil mayordoma talaga ang asta nya sa bahay. mataba syang babae, maputi na ang mahaba nyang buhok nung nakatira sya sa min. may mga anak syang professionals na lagi syang dinadalaw at pinipilit umuwi. may discharge slip na sya, matagal na. pero kataka-takang everytime na lalabas sya ng mental ay pumupunta sa husgado at nagdedemand na ilabas ang asawa nya na matagal ng patay, na yun daw ang naging simula ng pagkawala nya sa sarili. so everytime na mangyayari yun ay hinahatid sya pabalik sa mental. sa bahay namin ay tinatago nya lahhhhat ng gamit namin, bilang na bilang kung ilang piraso ang kutsara't tinidor. inaako nya ang lahat ng trabaho pagkatapos papagalitan nya yung ibang kasama namin sa bahay at sasabihing wala daw ginagawa. tuwing hapon ay tumutugtog sya ng piano - leron-leron sinta, pamulinawen, at ang masterpiece nyang manang biday - ala cecil licad at saka kami tatanungin kung may mayordoma ba daw na nakakatugtog ng pianong katulad nya. sanay na kami sa pagtatalak nya, pag nagdabog sya at nag- straight english, alam na naming kailangan na nyang pumunta sa ward at magpa-injection. pero mabait sya, maalalahanin at maalaga samin.

si olivera. olive, oliver, lolo olive...apelyido nya ang olivera, nakalimutan ko na kung ano ang tunay nyang pangalan. matagal na rin si olive sa mental. ngayon ay dun sya sa bahay namin nakatira. mula sa may kayang pamilya sa quezon, pinili din nyang wag nang bumalik sa kanyang pamilya at tumigil na lang sa bahay namin. ilang beses na syang sinundo ng kanyang mga pamngkin pero hindi sya sumama. halos ipamigay na nya ang lupain nya ng niyog. pati ang kanyang gintong ngipin ay pinamigay na rin. hindi ko nalaman ano eksakto ang kaso nya, o baka naitanong ko sa daddy ko pero dahil para na syang pamilya ay nakalimutan ko nang "baliw" nga pala sya. matanda na si oliver pero ayaw nyang aminin. pinagpipilitan nyang magkasing edad lang kami (bandang huli ay nalaman ko na noong taong pinananganak ako ay sya ring taon na dinala sya sa mental, kaya kami magkaedad), at mas gwapo daw sya kesa sa daddy ko. witty si oliver, madalas ay bibiruin sya ng daddy ko at buong gilas naman nyang nababara ang pangbibiro sa kanya.

(itutuloy...)