Tuesday, August 09, 2005

eksena sa jeepney

ngayong umaga sakay ng jeep papuntang office may kasabay akong matandang mag-asawang babae at lalaki, iniisip ko galing sila sa cubao, siguro nagtitinda sila doon at pauwi na. di ko mapigilang titigan sila kasi pareho silang tulog habang magkayakap. hayyy, nakakatuwa silang tingnan kasi sa itsura nila ay mahal na mahal nila ang isa't isa at parang marami nang pinagdaanan.

bago pa man ako dumating sa destinasyon ko ay nagising na sila, sabay, tapos nagtinginan, may inalis na dumi ang matandang lalaki sa may dibdib ng matandang babae. sa sss sila bumaba. mukhang mali ako na galing na sila sa pagtitinda.

habang tulog sila ay nalamam ko na kung ano ang tinda nila, nasilip ko ang laman ng package na nakapatong sa lap ng matandang lalaki at kinapa ng mga daliri ko sa paa ang laman ng pink na bag na may tigger, piglet at pooh, magazines ang laman.

pag baba nila ng jeep, nakaakbay pa yung matandang lalaki habang naglalakada sila. hayyy, talaga. that's growing old together.

2 Comments:

Blogger eyed said...

naalala ko tuloy yung minsang napunta ako at kasama ko sa timezone sa greenbelt 3, nakita namin yung matandang babae at lalaki na magkasamang naglalaro sa token machine ba yun (basta yung laro e maglalaglag ka ng tokens - syempre may strategy - sa machine para ma-push at malaglag yung gumagalaw na salansan ng tokens sa loob). tahimik lang silang naglalaro at mukhang enjoy naman - yung lalaki yung naghuhulog ng tokens tapos yung babae naman yung kukuha ng nalaglag na tokens (kaya technically, yung matandang lalaki talaga naglalaro).

basta pag matanda na ko, magda-daytona na lang ako sa timezone.

kaw len?:)

5:03 PM  
Blogger len said...

anong edad ba ang matanda sayo i? wala kasi akong planong tumanda kaya baka di ko na magawa yan. pero noon hanggang ngayon hilig ko laruin yung may shooting, basketball at baril, pareho yon. :)

5:32 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home