Saturday, August 13, 2005

ah, eto ang mahirap pag output-oriented. papetik-petik pag malayo pa ang deadline pero isang araw magigising ka na lang at kailangan mo na pala tapusin lahat ng dapat mong tapusin. cramming, and on a saturday yet. instead sana na nasa kama pa ko at naghihilik eh eto at nakikipagtitigan na naman ako sa computer. buti na lang sa tatlong bagay na dapat ko matapos this week, dalawa na ang buo sa isip ko kung pano isusulat.

malapit na pala ang september...sign na malapit na matapos yung taunang bad trip phase ko. oo nga, malapit na nga matapos, kung anu-ano na naman kasi ang pumapasok sa utak ko at madami na naman akong panaginip na minsan weird, pero mas madami eh malapit sa katotohanan...yung tipong mga premonitions. sabi nga ng anak ko, "my mom is a psycho, she can see the future!!!"

naa-amaze din ako sa sarili ko at mabilis nawala asar ko. noong nakaraang ilang gabi lang eh nainis na naman ako dahil sa isang unexpected na pangyayari na, akala ko okay na lahat noon yun pala hindi pa... ah, life.

ah life ulit...ang hirap maglakad sa kasagsagan ng ulan habang hinahanap mo ang anak mo na hindi ka sigurado kung makikita mo sya sa isang computer shop na naglalaro ng kung anu-anong online games o biglang may tatawag sa cellphone mo o sa landline na may nangyaring masama sa anak mo. yun na yun ang pakiramdam ko kahapon habang sinusuyod ko lahat ng computer shops sa e.rodriguez para hanapain ang anak ko na expected ko sanang umuwi ng alas-onse ng umaga pero alas-dos na eh wala pa sa bahay habang ang mga classmates nya ay nagsisipag-review na para sa exams ngayon. hirap din maging nanay at tatay, ikaw na ang mag-aalala, ikaw pa din ang gagawa ng paraan para di ka mag-alala. naka-pitong internet cafes ang pinuntahan ko kahapon, pwera pa yung ginalugad ko ang buong eskwelahan nila para hanapin ang anak ko, at pagkatapos ay malalaman ko na nasa bahay na siya na nagtatanong pa kung bakit ko tinatanong kung san sya nanggaling! mga anak talaga!!! iniisip ko kung ganon din ba ko nong araw.











syempre bad trip na umaga ko hanggang hapon, at nakalimutan ko na naman kumain dahil sa pagwoworry. buti na lang at pag dating ko sa office eh nandon pa yung munggo at paksiw na bangus na alas-8 pa lang ng umaga eh binilin ko na kay manang edel na ipa-reserba para sakin. buti na lang din at nakunsensya si vivian na wag kainin ang ulam ko na pinag-interesan nyang kainin dahil naubusan sya. buti nagtyaga sya sa egg sandwich, dahil sabi ko solian sana ng kandila kung ginalaw nya ang ulam ko eh my friday is not the same without munggo at paksiw.

inabutan ko rin ang mga taga-pnlc na nagmi-meeting sa office namin, may kasama silang intern na half american-half indian daw. tinatawanan sila ni manang na naghanda ng kanilang meryendang egg sandwich din, ang gulo-gulo daw ng meeting. eh panong di gugulo ang meeting, ingglisan sila ng ingglisan. gawin ba namang taga-kuha ng minutes eh yung half-half na andon.

at nakakatawa pa rin na tapos na ang meeting at wala na yung half-half eh di pa rin sila tapos sa pag-iinglis. nalaman ko kay mylene na ganon na pala sila magsipag-usap dahil aral sila sa Ampy Academy. di ako makasabay sa usapan kasi nako-conscious ako sa grammar ko...sabi nga ni mylene... "don't worry, be happy if you're grammar is wrong. the americans are also wrong, so we can also be wrong in our grammar." maglalabas daw sila ng Ampy Vocabulary. tatawagan din daw ni nya si sr. esper, ang presidente ng st. joseph kasi kinwento ko na sila kai ay merong "I SPEAK ENGLISH" campaign. join daw sya don at gusto nya maging presidente ng kampanya. at pag may problema daw, "just smile, because the bulges are getting bigger".

at eto, naaaliw na naman ako eh sa pagsusulat, magugulat na naman ako na tapos na pala ang araw. kailangan ko nga palang may matapos ngayon para makaponood pa ng charlie and the chocolate factory. aabot kaya kami mamaya? wish ko lang, dahil bukas eh paglalaba naman ang aasikasuhin ko, tsaka ako magpapa-thai massage sa hapon. ah sarap!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home