Wednesday, February 08, 2006

ennui...

a good sign of aging is when you're getting bored kahit ang dami-dami namang tratrabahuhin at kung anu-ano na tuloy ang napapansin mo...

1. ahas sa maynila - every week na lang ay may nahuhuling ahas sa iba't-ibang lugar dito sa manila. ano't nagpuntahan na dito ang mga ahas? dito na talaga balak manirahan?

2. e-mails - everyday i receive worm virus (may relasyon kaya yun sa ahas?) na nag-ooffer ng viagra and penis enlarger. WHAT DO I NEED THAT FOR????!!!! *#@^!%*

3. stampede sa ultra - the footages made me cry last saturday. task force ULTRA's report "They were exploited, manipulated and treated like animals" gave me goosebumps. at lalo na yung recommendations ng investigating team na puro wala namang kinalaman sa exploitation na sinasabi nila. even sadder eh nag-sorry daw si corpus last night sa pagsasabi ng ganon. huwat?

4. telefantasia and asianovelas - thank god for these soaps, ang aaga na umuwi ng mga asawang lalaki kasi nanonood din sila ng jewel in the palace at etheria (kapuso ako)

5. mp3 player - magastos sa battery, kahit alkaline pa gamitin. energizer does not keep on going and going and going...

6. hiv - siyet!! 11,000 na ang tinatantyang HIV positives, hidden population daw and the government has only 2400+ documented cases. nasan yung 7000+. isn't that scary?

7. libre - that free newspaper MRT commuters grab every morning have more ADs now than news. at hindi na rin nakakatawa ang horoscope nila.

8. libre pa rin - nilibre ako ni yhen sa C3 kapalit ng pakikinig ko sa kwento nya, haha. la pa sya pera kaya pinautang ko muna sya, kaso malayo na bangko sa ofis kaya di ako nakawithdraw, kaya pinautang nya muna ko ng ipapautang ko sa kanya para mailbre nya ko.

9. jeepney fare rollback - valentine's gift daw ng jeepney transport sector. never heard anything like this before. pero cool.

10. peso-dollar exchange rate - kelangan ko na talaga asikasuhin pag-open ng account habang mababa pa dollar, magtataas na naman daw by april. sayang naman pwede ko kitain.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home