bobo ng diliman
may kanta noong tibak pa ko na "bobo ng diliman' to the tune of "go johnny go". . sa mga ka-batch ko noon, i'm sure they remember this.... "ako'y nagkakamot ng talampakan, nais kong iwanan ang eskwelahan. la naman akong natututunan..." ewan ko lang kung alam yan ng mga tibak ngayon. but this is not about that song. naalala ko lang yung part ng chorus na "may araw din ang mga kontrabidang tao".
everytime naiinis ako, everytime may nanloloko sakin, everytime na may gumagawa ng masama sakin, i always sing that part of the chorus. yun lang nakakaya kong gawin para mawala pagkaasar ko. kanta lang, "may araw din ang mga kontrabidang tao". but i stop there. kasi ang kasunod na line non, "tiyak maglalaho sa mundong ito". bahala na ang kalikasan, kung diyos man yun, kung ano gagawin nya sa mga kontrabidang tao. basta they will have their day.
wala naman akong alam na kwento ng buhay na dire-direchong masaya ang buhay ng mga kontrabidang tao. si marcos na-depose at patay na nga't lahat eh ayaw pang patawarin ng mga tao (but in fairness, gumaganda pa image nya ngayon pag kinukumpara kay GMA), si erap na di pa nag-iinit sa upuan ng presidente eh napaalis na, si GMA... ah, kakantahan ko na lang muna sya.
pero malaking tao man o maliit. kilala o hindi, nakapanty man o brief, basta nag-isip at gumawa ng pangit at mali sa isa, dalawa o maraming tao, lalo na kung di makaramdam ng remorse, may araw sila. hindi man ngayon. perhaps they can enjoy their lives now but they will have their day.
sabi, yun daw karma, hindi necessary na dun mismo sa taong masama nagbu-boomerang, pwede rin sa mga mahal nya sa buhay. although, kung ako ang tatanungin di dapat ganon; yung walang kasalanan dapat di mag-suffer.
at minsan kahit walang gawin ang tao, nature has its way of making people pay for the evil things they commit. minamalas. and nature has its way of rewarding those who are good, siniswerte naman. kaya pag minamalas ako, iniisip ko..."hmm, ano ba nagawa kong mali?...meron ba kong sinaktan?'' pag sinwerte naman ako, "hmm, i must have been good."
basta ako, sunod-sunod ang swerte ko gnayon.

11 Comments:
ang "bobo ng diliman" ay mula sa inang laya, pero wala na kong makitang kopya niyan ngayon. gumawa kami ng recording niyan dahil dati naming tinutugtog yan sa mga rally, so kung gusto mo ulit marinig ito (at para na rin sa mga tibak ngayon), nakapost ito dito: http://ulrengx.multiply.com/music/item/1. mas rock lang ang version namin kesa sa original.
salamat, pero di ko ma-access, dapat ata may account din ako sa multiply, eh kaso wala. pero salamat pa din.
pinost ko na lang sa ibang website para di na kailangan ng membership: http://www.lsqc82.org/sinto/bobo.mp3 salamat din.
ayan, napakinggan ko na. brings back memories. isang hirit na lang, bakit di ma-access blog mo? :-). curious.
kailangan member ka ng multiply.com para ma-access mo ang music section ng blog. pero lahat ng ibang sections (photos, blog, etc) makikita mo naman kahit di ka member.
kahit na luma ang mga nakapost sa blog na ito, at kahit di ko sigurado kung binibisita pa ito ng mayari, nais ko lang pong itama ang komento ni Blogger raulski na "ang "bobo ng diliman" ay mula sa inang laya". Ang bobo ng diliman ay adaptation ni ani montano (kompositor ng "babae ka" na kinanta ng inang laya, susan fernandez at something special) sa johnny b good ni chuck berry. siya po ang kumakanta niyan, live, sa mga rally at protest concerts noong early 70s sa UP at ibang lugar. Nais po lamang naming mailagay sa tama ang kasaysayan, kung pupuwede lang.
hi kizmark. tama ka diyan at matagal ko nang inayos ang credits sa multiply website ko. lumang-luma na itong komento ko sa blog ni pious agnostic. pasensya na sa pagkakamali.
salamat sa correction kizmark. at oo, binibisita ko pa ang site na ito.
Bobo ng Diliman ay pinatanyag ng Inang Laya, ngunit una ko itong narinig mula sa UP Sintunado no'ng unang bahagi ng dekada 80. Ang lead singer na babae ay si Blanch (not sure if I spelled the name right), kasabayan n'ya sila Liza Fulgado at Elmer Mercado, panapanhon ay tgapagsalita rin siya ng LFS. Naka jam namin sila once sa Dimasalang. Sa aking palagay, sila ang orihinal na grupo. Maraming awiting napapanahon no'n na hindi nakilala ang mga manunulat. Sa mga konsyerto sa St. Joseph, Trinity College, MLQU, Ugarte Park, Liwasang Bonifacio, Sunken Garden, Narra Hall, naging kilala ng masa ang grupong Nuklus Band, Sinaglahi (bago pa ang Buklod) Ends, Agos atbp grupo at mang-aawit ng panahon.
gusto ko lang bigyan liwanag ang pahayag ni Boni. ang core group at founders ng u.p. sintunado ay binubuo nina raulski, jay, pete at ako. maraming naging lead singers ang grupo, isa dito si blanche. marami din kaming naging guest lead singers at isa dito si noel cabangon noong 1986 sa baguio. ang pinakamatagal na naging lead singer namin, na nagbigay mukha, tunog at saysay sa pangalang sintunado, ay si abet. kung minsan, si raulski at isang vocalist lang ang dumadalo sa venue, depende sa pangangailangan ng organizer. nagkakamaling i-identify na sa amin ang "bobo ng diliman" dahil sa madalas na opening o finale namin ito sa set. pero, pinapakilala namin ito noon na isang awitin ng inag laya.
This comment has been removed by the author.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home