may mga alaalang hindi ka iiwan. kahit anong gawin mong pagtalikod ay hindi aalis. kahit tumakbo ka palayo ay hahabulin ka pa rin. mga alaala ng mga tao, bagay o mga pangyayari na gusto mong talikuran pero hindi pwede. minsan aakalain mong nakatakas ka na dahil wala ang mga bakas o mga anino, walang mga palatandaan, walang mga litrato, walang mga sulat, pero isang araw mararamdaman mo na lang na nandon pala, nahihimlay lang sa likod ng isip pero patuloy na nag-iimpluwensya sa mga araw-araw na kilos o gawa, sa mga desisyong binibitawan. at isang araw maiisip mo hindi pala dapat takasan ang alaala o isiping sana hindi yun nangyari, dahil kahit anong gawin mo para makalimot ay pasundot-sundot na papasok sa isip mo, at minsan sa kunsensya.
may mga nangyari, may mga taong nakilala na hindi sinasadya, mga bagay na nagawa na akala mo ay tama dahil masaya ka nong gawin mo yon. pero nangyari na ang lahat. nagawa mo na ang hindi dapat. mga alaala na lang, nakalipas na, paulit-ulit na mababalikan pero hindi na mababago.

Labels: sanity meter
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home