Thursday, September 08, 2005

wiseact.com

kakauwi pa lang ng office namin mula sa isang retreat-cum-team building. for lack of adequate term daw eh eto na lang ang tawag kasi nagmula lang to sa napansin ni vivian na pagod ang mga tao at mabababa ang spirit, drive, etc. at kailangang may activity na gawin para bumalik ang gana ng mga tao na magtrabaho with the usual enthusiasm. fr. nonong pili, our retreat master-cum-team building facilitator (tawagin daw namin syang pads)came up with wiseact.com. C for consciousness, O for organization at M for mission. yun yung tatlong aspeto na uuriratin sa dalawa't kalahating araw.

spiritual ang ginawang approach ng wiseact.com. intro pa lang eh nagtanong na si pads kung lahat ba daw eh christian. eclectic kami eh, may christian, may taoist, may agnostic, may would-be-atheist, may cosmic. at karamihan ay comic. so ginawa nyang katanggap-tanggap sa lahat yung konsepto ng god. at mas importante, hindi nagpatali sa lalaking diyos. may paradigm shift na daw sa konsepto ng diyos, di na daw yung dating hiwalay ang diyos sa tao kundi god lives among us daw. at eto pa, eh katagal na palang dineklara, at least ng catholic church, "that god is a father but above all god is a mother."

pero sa kabuuan di naman talaga usapin ng diyos, mas usapin pa ng 'becoming fully human' na magsisimula sa pag-observe ng sariling consciousness, being aware of what's going on inside the self and which result to shifts in attitudes and relations.

wiseact.com brought out the better in each one of us. i'd say 'the better' kasi ngayon pa lang kami nakapasok sa loob ng aming mga sarili to give ourselves 'loving attention'. nagkaron kami ng chance to be quiet, observe our feelings without reacting, and eventually see reality as it really is.

may small-group sharing na bawal mag-judge at mag-advise; ang pwede lang gawin ay acknowledge, accept and assimilate kung anuman yung nai-share ng bawat isa. ang hirap, actually kasi we know a lot about one another already pero ang dami pang di namin alam sa isa't-isa. sabi ko nga nung plenary na, it was difficult to just listen and refrain onself from asking kasi di namin alam kung acknowledgement ba yung tanong namin or if were we just being nosey.

may mga moments of silence. focusing yun, para nga madinig namin kung ano ang sinasabi ng mga sarili namin. mga 5 minutes lang of silence, may mga nahirapang magconcentrate kasi ang daming ibang pumapasok sa isip, dala ng habits of the emotion and the mind. daming realizations ng mga tao, ang lalalim. may mga inner child pang pinag-usapan. ako simple lang insight ko, that beyond transcendence, yung makalampas sa tragedies ay kailangan din ng integration ng sarili afterwards, then one becomes fully human. hmmm....di yata simple, mahirap din yata yon.

the best part of it was yung tatlong sunod-sunod na activities. the first was when we were asked to write positive things about each one, mabilisan, one minute, spontaneous dapat. it was meant to affirm ourselves, nung basahin namin kung ano ang mga sinulat tungkol sa min eh para naming minamapa ang teacher's village at central district - matalino, maalalahanin, mabait, etc. kainis lang kasi naiwan ko sa room namin sa manor hotel southwoods yung sakin na plano ko pa naman ipa-frame. but i should list down some of the things i remember, "matalino, sweet, sharp mind, beautiful person, generous, mabait, 'the best', matapang, fights her own battle, strong-willed, good mom to kakai, nice, smart, knows and fights for her rights, lav u,i love you, i miss you, friends for keeps, masarap kasama, pasensyosa at di pa nakikitang magalit.' the last two made everyone laugh when i read it aloud.

after that we gave candles to individuals we wanted to thank or to say sorry. halos walang mga salitaan, puro yakapan at iyakan, tears of joy and gratefulness. isa ko sa pinakamaraming iniyak. tapos non, ang susunod ay paghingi ng forgiveness sa mga taong wala don, pero di daw kailangang sabihin. nag-sorry ako sa mommy at daddy ko dahil natitiis kong wag magpakita sa kanila, sa auntie kong namatay na hindi ko nadalaw, kay kahlil sa lahat ng dinadaanan nyang hirap dahil sakin, at nag-sorry na din ako in advance sa isang tao. pwede din daw magpatawad in silence. i took that opportunity, pero hiningi kong madinig ng lahat yung pagpapatawad ko kay mike at sa kuya ko. biglang napaiyak si malou, one of my best friends sa office, at niyakap ako, kainis daw kasi la sya balak umiyak but when i did it eh di na daw nya napigilan. once again, i receive words of affirmation, ang galing ko daw talaga. ako din, nagalingan din ako sa sarili ko.

wiseact.com was for each of us. sa may garahe, nalaman ko na sa group sharing eh ang dami din palang umiyak, pati mga lalaki. may kanya-kanyang insights, learnings, may mga epekto sa bawat isa that would make each one a better person. kanya-kanyang dating. basta sakin timing lahat. ah at ang isa pa palang nakakatuwa eh sa randon grouping eh nagkakasama-sama yung mga taong dapat na magsipag-usap, mga taong sa pagitan nila eh may invisible walls na nabuo which were broken nung nagsipag-usap usap na.

it was a very enriching experience, would change a lot of lives. enjoy ako, at salamat sa lahat ng andon. salamat din pati sa mga wala don na nagbubuo ng kung sino ako o ang bawat isa samin.

as for the organization, from southwoods manor hotel dire-direcho kami lahat sa office at nagsipagbukas ng mga computer, tawag sa telepono, may nag-meeting, trabaho na naman. pero walang ng mga nakabusangot.

7 Comments:

Blogger len said...

may mga nangyari ding masasaya in between session, may contest sa magic sing nung last night na pagkatapos i-affirm ang isa't isa eh puro panlalait na ang mga lumalabs sa bibig ng mga tao para lang ma-distract kung sino ang nakasalang kumanta; may nag-badminton; may itinuloy ang pag-iyak sa room; may nakabuo ng terms of endearment na raisins and cocktail as opposed to creamy and footlong na sa kalaswaan ng isip ng dalawa samin eh naisip nilang may sexual na konotasyon daw. may ipinuslit na bottles of red wine dahil mahal ang corkage, may manunuod ng encantadia. may nai-planong marriage for convenience next year para gawing mga abay at flower girls yung mga di nakaranas ng ganon, may nangulit sa mga waiter.

5:25 PM  
Anonymous Anonymous said...

bp. labayen once said, "madaling maging tao, mahirap magpakatao". sana ang mga gagawin mo ay para sa pagbubuo ng iyong sarili.

5:44 PM  
Blogger len said...

yes, pads cited what bp labayen said. at sabi din nya sa mga desisyong gagawin eh merong mga pwedeng masaktan. pero kailangan din ng mga tao na masaktan para mabuo ang kanilang mga sarili.

6:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

basta tiyakin na ang layunin ay di ang sadyang pananakit ng kapwa. mas mabuti to build bridges of understanding than to build walls of hate.

9:28 AM  
Anonymous Anonymous said...

sa totoo lang dami na akong nadaluhang retreat pero ngayon lang ako nakadalo ng retreat na may nabuong raisin at cocktail...

3:12 PM  
Anonymous Anonymous said...

bakit di nga kaya pagsamahin ang cocktail hotdogs at sun-dried raisins sa isang stick pag may kiddie parties? ok naman diba?

4:00 PM  
Blogger len said...

di ba sobrang laki ng bbq stick para itusok sa sun-dried raisins?

4:07 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home