Thursday, April 07, 2005

sine at tulog

bakit ba everytime na manunuod ako ng sine eh di ko maiwasang antukin hanggang sa makatulog. kahit na pagkaganda-ganda minsan ng palabas eh dumadating pa din ako sa point na bumibigat ang talukap ng mga mata ko. at magsisismula na rin akong maghihikab, kahit na nga ba sabi ng mga eksperto eh di namna daw antok ang dahilan ng paghikab. ang nakakainis, di na uso yung pa-morningan sa sinehan na pag gitna na ng palabas ang inabutan mo eh pwede kang umulit-ulit ng panonood na jingle lang pahinga. kaya lugi ako. ang mahal pa naman ng sine ngayon!!

mga palabas na nakatulugan ko, at ito ay yun lang mga natatandaan ko.

1. the godfather 3
2. starwars (yung re-issue)
3. harry potter 1,2 and 3 - buti na lang merong libro, kaya bago ang showing ay sinisigurado kong nabasa ko na para wala akong panghihinayangan kung maghilik man ako sa sinehan.
4. chasing liberty
5. the aristocrats (disney animation)- pinasok ko talaga para tulugan
6. lord of the rings 2
7. big fish
(nakatulog nga ba ko dito labs?)
8. million dollar baby
9. be cool
10. the passion of christ

etcetera..etcetera...

ewan kung namana ko to sa daddy ko itong ganito na bilang na bilang lang ang pagpasok sa mga sinehan kasi nga lagi lang syang nakakatulog habang nanunuod. hindi ko alam kung dahil sa lamig o sa dilim. pero pag nagpapalano pa lang akong manuod eh nagsisimula na din naman akong humikab. pati ang anak ko ay unti-unti nang nahahawa sa pagkaantukin ko, na dati-rati eh taga-tapik ng pisngi ko pag nagsisismula na kong umidlip.

kagabi ako huling pumasok sa sinehan, nanuod kami ni romel ng "be cool". buti na lang at natuwa naman sya sa movie, na ako ang pumili, kaya di nya naalalang ma-bad trip. di na rin ako nag-alangang idiretso ang tulog ko, dati kasi eh nagpapanggap pa kong gising. yun nga lang, pagkalabas ng sinehan eh di kami makapagkwentuhan ng tungkol sa mga scenes na nagustuhan namin. parang kagabi na ang tanong nya sa kin eh "gising ka ba nung part na naglalaro ang lakers?". na-miss ko din yung part na duda ko eh nakakatawa, yun sanang part na magiging artista na si the rock. actually, kinakausap nya ko habang nasa escalator eh antok pa rin ako kaya di ko alam kung lakers nga ba ang sinabi nya. tsk, tsk, sayang reserve seating pa naman yun at P120 ang tiket.

2 Comments:

Blogger ikabod said...

This comment has been removed by a blog administrator.

12:00 PM  
Blogger click & crash said...

ah kaya pala wala ung mga yun sa list ng favorite movies mo. :o)

5:27 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home