soliloquy
sabi ng isang ka-opisina ko dun sa isa ko pang trabaho bilib daw sya sa mga nagba-blog... ibig daw sabihin eh marami silang time na naii-spare. gusto kong um-aray dahil sa halos araw-araw na pagsusulat ko ng posts two years back. eh hindi ko naman alam kung ang "bilib" na yun eh positive comment o short of saying na wala silang trabaho or pabaya sila sa trabaho nila.... kaya dedma na lang ako, either way, hindi ako flattered o guilty. mas guilty pa yata ako ngayon na hindi na ako nakakapag-post. nakakasawa daw mag-blog sabi ng isang kaibigan ko. sabi ni richie tinatamad sya, sabi ni i. eh di ma-access ang blogspot sa pakistan. sabi naman ni yhen, "len, ang tagal mo nang walang post."
may excuse ako, ang hirap mag-access ng blogspot ngayon. last time i tried to log in eh pinag-create pa ako ng google account at sa dalang kong magbukas ng blogs ngayon eh nalimutan ko username at password ko.
madami-dami na din akong naisulat, ayun inaamag sa mga journals ko at yung iba eh nasa laptop na kahit bitbit ko halos araw-araw eh puro trabaho naman ang naaatupag ko... at yun eh kung hindi ako naglalaro ng zuma at ng isang pang game na hanggang ngayon eh "kaboom" ang tawag ko dahil never kong nalaman kung ano talaga title nung game.
di bale, isang araw makakapag-post ulit ako. hopefully ngayong gabi.

Labels: ennui
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home